Sa totoo lang, napakadaling i-handle ng mga lalake sa isang relasyon. You dont need to be the most beautiful girl, the most charming or even the most talked about lady in town. Mayroon ka lang dapat gawin para maging maayos ang inyong pagsasama.
Don’t box us out. Minsan hindi maiiwasan
na ikompara kami sa mga ex niyo. Call it force of habit, pero minsan hinahanap
hanap niyo yung dati niyong ginagawa. Kung madalas kayo ng ex mo magtalo pero
yung bago mo tahimik lang kaya naiirita ka. O kung ganito si ex dati, ganito ka
naman etc, understandable yun, pero unacceptable. Kaya Wag na wag ipagmalaki si
ex kay current, kasi kung mas ok siya, di sana kayo pa hindi ba? Or make your
man do this and that because that’s what you want. Oo nga, reyna namin kayo, at
kung pwede lang lahat ng gusto nyo gagawin namin pero tao kami. We’ve been
living as we are for a long time nung wala ka pa. Some things can be changed,
some cannot. Gaya nang kung vocal si bf saying things that you deemed paulit
ulit or nakakasawa, you can remind him, but not to the point na maramdaman
niyang mas makakabuti na hindi na lang kumibo kasi baka masabihan ng paulit-ulit
at nakakasawa.
Be malambing/nalalambing. Girls, lalake kami.
We’re born to show how we love someone. Kung innate skill naming ang
maglambing, yun din ang deal killer samin. Kahit gano pa ka buwisit ang isang
sitwasyon, ka badtrip, isang lambing mo lang, pustahan tayo, ngingiti kami. Nakakawala
ng kahit na anong negative emotion ang isang babaeng nagpapalambing na, malambing
pa. Pinoy tayo, dapat master natin yan. Meron kasing mga babaeng nawawala na yung
sweet factor kasi Bf na niya si Bf niya. O kaya, kasi graduate na daw. May
obligasyon tayo sa mga partner natin. At isa dyan ang pagiging malambing. Besides,
this is how you’ll get your new shoes or bags hehehe, Konting lambing lang yan,
odibadibs?
Honesty. Don’t commit kung wala
kang balak maging matino. You want to play? Then be single. Don’t commit.
Aminado ako na maraming lalakeng tarantado, pero maraming paring matino, if you
know what to do. You don’t need to hurt us by being a flirt whenever we’re not
around. Or wasting your time trying to look for a perfect love, and staying
with us kasi wala pa si Mr Better. To find a perfect love, if there’s such a
thing, is to be perfect. You can’t have it, if you’re not. Wanna find a good
guy? Be a good girl. Stick with us kasi you want or need to. If you can’t,
don’t commit. Yun lang yun. Believe me girl, kung beterana ka, may palaging mas
beterano sayo. True and lasting relationship is a result of two working
individuals who commit to each other.
Appreciate us, see our
worth and recognize our importance. Binilhan ka ng cake ni Bf. Hindi ka na nga nag
thank you muna, napansin mo pa agad yung sablay na bakit maliit yung binili? O
kaya pinagluto ka ng breakfast, pinagluto ka, at ang una mong nakita, e yung
ulam na kulang sa bawang. What the fuck? Really? Effort na lahat lahat, yung
sablay parin ang unang nakita? 9 of 10 efforts at sa pang labing isa pa naming
nakuha ang matamis mong “thank you?” believe me, lahat ng lalake gagawa ng
paraan para sa minamahal, pero madaling mabulag yan ng iba kapag ganito ka.
Susmeyo. Matuto kang maging grateful bago maging hateful. Also, lalake kami,
nasa DNA naming yung feeling na needed kami. At isa rin yun sa hinahanap namin
sa isang babae. Yung kita at ramdam yung halaga namin. Yung tipong, kahit
kalaban ko na ang mundo, kakampi pa rin kita, manalo matalo. Parang Ginebra, do
or die, we fight together. Yung simpleng porma lang kami, pero ngiting wagas ka
kasi you find us cute o bago sa paningin. Yung nakikita niyo at pinaparamdam
niyo na thankful kayo kasi kahit papano, merong kami sa buhay niyo. It’s one of
the nicest feeling na pwedeng maramdaman ng lalake. Hindi ito yung tipong
gagawin niyo kaming driver or meal ticket. Kahit yung simpleng pag abot lang
kasi hindi niyo abot, “buti nalang matangkad ka…” “buti alam mo yung lugar na
pupuntahan natin?...” “Nax, pormado ah, san binyag?...” “buti na lang andito
ka…” madami pang simpleng bagay para maka appreciate. Makaalala lang kayo,
appreciate and treat us the way we do, and malapit lapit ka na sa katotohanan
niyan.
Lastly,
Love us. Minsan, kahit ikaw na ang
pinaka buraot na babae sa balat ng lupa, bukod sa mahal ka ng lalake, dapat mahal
mo rin siya. Sapat na yun para burahin naming mga lalake lahat ng imperfection
meron kayong mga babae. Pakita at paramdam mo sa amin na kami lang. Love us,
just us. At sayong sayong lang ang lalake mo.
-Raj
No comments:
Post a Comment