Sa magkakapatid, hindi mo maiiwasan ang inggitan. Dahil na
rin siguro sa pagpapalaki ng magulang na hindi mo din masisisi kung merong kakampihan
sa magkakapatid, hindi naman kasi sila magkaka pareho ng asal at ugali. Kahit
na rin siguro sa magkakabarkada o magkaka-opisina ay mayroong inggitan, pero
ang hindi ko matanggap tanggap ay iyong sisiraan ka pa para lang makuha ang
gusto nila.
Ang tinatawag na pagiging utak talangka ng mga Pilipino ang
pinaka ayoko sa lahat ng mga masasamang ugali natin kasunod ng tinatawag na filipino time at maƱana habit. ‘Yun bang bakit kailangan mong dumating sa punto na
kailangan mong ilaglag yung mga taong wala namang kinalaman sa kasalukuyang
estado mo para makuha mo ang gusto mo o kaya para madungisan mo man lang sila
para makaganti dahil hindi naging patas ang antas ng mga trabaho ninyo?
Ano ba ang kailangan nating patunayan dito? Na mas madami
tayong ginagawa kumpara sa iba? Na dapat ay mas malaki ang nakukuha nating
benepisyo kaysa sa mga inaakala mong walang ginagawa?
Sino ba ang nagsabi sa iyo na tanggapin mo kung magkano ang
nakukuha mo ngayon? Sila ba?
Sino ba ang nagsabi sa iyo na pumayag ka sa kontrata mo?
Sila ba?
Kung magiging ganyan ang usapan e mas malaki pala ang
karapatan kong magreklamo, pero bakit ko naman gagawin iyon? Bakit ko
kailangang isisi sa iba ang mga kinahinatnan ng mga desisyon na pinasok ko?
‘Yan ang hirap sa atin e, nauuna ang pagtingin natin sa
ginagawa ng iba bago ang mga sarili natin. Nauuna lagi ang pagsilip sa kabilang
plato at huhusgahan kagad ang kapitbahay dahil ang ulam nila ay manok.
Kaya tayo hindi umaasenso e.
Bangon Pilipino! Dahil kapag hindi ka nagbago, mauubos ang
mga taong marunong magsikap sa sarili at hindi kailangang manghila ng paa ng
iba. Mauubos sila dahil lahat sila ay titira na sa ibang bansa at walang
matitira sa iyo kung hindi ang mga taong walang ginawa kundi mainggit sa
sitwasyon ng iba.
Bitter.
-Sheldon
No comments:
Post a Comment