Friday, August 9, 2013

Loyal but Unfaithful: Bakit nagloloko ang mga lalaki?


Why do birds suddenly appear? Every time, you are near?
Where’s the “good” in goodbyes?
Why Samson loves Delilah?
Where is the love?
Is there life after death?
Are you and me gonna be together?
Does Jennifer Love Hewitt?
What is Victoria’s secret?
Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino?

Ilan lang ang mga ito sa mga tanong ng karamihan. Pero isa na yata sa pinaka controversial na katanungan na na-engkwentro ko ay kung bakit “nagloloko” ang mga lalake?

Ayon kay Bb. Webster Dictionary ang “Cheating” daw is  being sexually unfaithful (intransitive verb) or violating rules dishonestly and practicing fraud or trickery. Cheater ka daw kapag you are a dishonest person who uses clever means to cheat others out of something of value. Marami pa siyang definition, siguro, siya ang unang biktima ng panloloko.

Bakit nga ba nagloloko ang mga lalake? – pero teka, nanloloko nga ba kami? Mahirap i-defend ang something na hindi naman namin ginagawa.

One man asked me, “why do you call it cheating ba? kasi meron kang girlfriend tapos naghanap ka ng iba? kasi may responsibility ka na pero gusto mo pa ng dagdag? or kasi nag eenjoy ka na, gusto mo pa ng isa?”

So there. Title palang debate na. According to Men’s Universal Law – (after ng 10 utos ng diyos) magkapitpitan na ng itlog, wag na wag kang ….

Rule 11: papahuli;
Rule 12: aamin;

Extended version:
Rule 13: Ituro ang katabi/Isisi sa iba;

Mahirap nga naman mag tanong ng basta basta nalang, kasi para akong namimintang; hindi rin naman sila sasagot talaga, kasi yun ay tanda na ng pag-amin. So walang lalakeng nagloloko – unless ready na siyang umamin. Which, according to the law stated above – e hindi dapat gawin kahit kelan.

“I cant say what we've done is cheating” stated one fella of mine. “you can only call it cheating pag may pinirmahan ka na at sinelyuhan ng singsing; Pero kung GF palang yan, you’re not cheating, you’re just enjoying your options, or if not enjoying, choosing your options;

“Kasi kaya…” said one person I knew. Dahil marami daw incompetent na lalake. Sa halos lahat ng aspeto siguro. Kaya bakit daw sisihin yung mga “may kakayahan?” We are covering for our fellow men. I have the talent, let me cover up for you. “Parang calls lang yan (call center setting,) hindi pwedeng drop ka lang ng drop ng calls; at dahil nag drop na yung iba, malamang ikaw sasalo nung iba…” Sumpa pa nga daw ang pagiging “talentado.”

Pumasok din ang theory ng  inverse proportion of our population. Kasi nga daw, mas maraming babae kesa sa lalake. The more you have, the more you need… (bahala ka na mag dugtong.) Less talk, less mistake. More talk, more mistake. More girls, more mistake. Margin of error is huge. Parang raffle, the more entries you have, the more chances of winning. Maraming babae, means maraming options- meaning maraming tukso.

For me, there is no such thing as 90% - 10% theory. Eto yung, ang mga mahal natin daw ay nag tataglay lang ng 90% ng mga katangian na gusto natin sa isang tao. The rest, wala daw talaga sa kanya. Therefore, men daw tends to seek the other 10% sa iba. Love is immeasurable; walang 90% lang kitang mahal etc etc. Mahal kung mahal. Hindi kung hindi.

Parang si Voldemort lang yan (Harry Potter’s BFF,) hindi talaga makukuntento sa isa. Mas marami, mas masaya. Ang tawag dito “Horcrux” theory. You put a bit of your soul sa isa (at sa ibat ibang) entity,

Isa sa pinaka worst reason is, a guy just had the wrong woman from the get go. Na realize lang nung hindi na pwedeng makakawala. We call it Pinilit mode;

Inborn na sa mga lalake ang magmahal. Ang primary function daw kasi ng mga lalake ay to spread our lahi. You can’t blame a guy daw who’s fulfilling his duty for mankind.

How we perceived things/ideas are based on our society; society tells us that you have to be good looking because that’s what’s acceptable etc - that you need to have this, and that to be in.  Unless you are committed, you’re not cheating; commitment is defined by our society as being married; unmarried are free agents; but kung married naman ang guy, babalik lang tayo sa mga topic sa itaas to justify what he is doing. (hehe)

What women don’t know about us, men, is that - we can love multiple things/people at the same time –at the same level. Innate talent. Capable kami. And we’re not sorry for that.

Ang pako, pwedeng bumutas kahit saan; pero ang butas, hindi pwedeng pumako kahit kelan.

Pag narinig niyo sa mga partner niyo tong mga to, you know what to do.

My girl nailed it the best – “kaya ka nga nasa commitment eh!” with matching padyak ng paa at mataas na boses.

My prayer goes to all who’ve been cheated on.

WALANG NAGLOLOKONG LALAKE, KASI WALANG UMAAMIN… unless nahuli.

-Raj

No comments:

Post a Comment